-- Advertisements --
Nakahanda na Moscow, Russia sa 10-araw na shutdown na magsisimula sa Oktubre 30 hanggang Nobyembre 9.
Lahat ng mga department stores, paaralan at kainan ay sarado.
Mananatiling nakabukas lamang ang mga supermarkets at botika.
Binigyan din ang mga manggagawa ng siyam na araw na day-off .
Paraan aniya ito ng kanilang gobyerno para tuluyan ng mapababa ang kaso ng COVID-19.
Sa loob lamang kasi ng 24-na oras ay nagtala sil
a ng 1,159 na nasawi.
Mayroon mahigit 40,000 na bagong nadapuan sa 85 na rehiyon ng Russia.
Umaabot lamang kasi sa 32% ng populasyon ng Russia ang naturukan na ng COVID-19 vaccines.
Marami kasi sa kanilang mamamayan ang nagdadalawang isip na magpaturok sa sariling bakuna nila na SputnikV.