Inihayag ni Russian Ambassador to the Philippines Marat Pavlov na ang Moscow at Manila ay patuloy na nagtatamasa ng mataas na antas ng kooperasyon.
Ito’y habang isinusulong pa rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang “balanced foreign policy”.
Ang pahayag ay tugon ni Pavlov nang tanungin siya hinggil sa kanyang komento sa paninindigan ni Marcos sa Russia-Ukraine war.
Noong Nobyembre ng nakaraang taon, sinabi ni Pangulong Marcos na ang tunggalian sa pagitan ng Russia at Ukraine ay hindi katanggap-tanggap.
Hinihimok ng pangulo ang magkabilang panig na ituloy ang mga diplomatikong solusyon.
Tinanong din si Pavlov ng karagdagang detalye hinggil sa pakikipagpulong niya noong Hunyo noong nakaraang taon kay Marcos, ngunit nakatutok lamang ang usapan sa kung paano magpapatuloy ang pagtutulungan ng Pilipinas at Russia.
Aniya, noong Hunyo noong nakaraang taon, naniniwala siyang ipagpapatuloy ni Marcos ang kanyang “independent policy” sa digmaan.
Ito ay bagay na binigyang diin din ni dating National Security Adviser Clarita Carlos.
Sinabi rin ng russian envoy na handa ang Moscow na ipagpatuloy ang technical military cooperation nito sa Pilipinas.