CENTRAL MINDANAO-Kagagawan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang pagpapasabog sa lalawigan ng Maguindanao.
Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Jibin Bongcayao na pinaputukan ng 40 mm high explosive gamit ang M79 grenade launcher ang municipal compound sa Barangay Poblacion 2 Shariff Aguak Maguindanao.
Walang nasugatan sa pagsabog ngunit nadulot ito ng takot sa mga sibilyan.
Tinamaan rin ang monara ng mosque sa loob ng Municipal Compound sa bayan ng Shariff Aguak.
Malaki naman ang paniniwala ni Colonel Bongcayao na posibling target ng mga rebelde ang Municipal Police Station di kalayuan sa Mosque.
Matatandaan na napatay ng Shariff Aguak PNP ang isang suspek na kasapi ng BIFF nang magtangka itong manghold-up.
Sa ngayon ay hinigpitan pa ng militar at pulisya ang seguridad sa Shariff Aguak Maguindanao.