-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Balik sa normal na ang pasok ng mga paaralan, barangay halls at operational na rin ang mga pagamutang na labis na naapektuhan sa pagtama ng 5.9 magnitude na lindol noong Nobyembre 19 ng gabi kung saan naging epicentro ng pagyanig ang bahagi ng Kadingilan Bukidnon.

Ayon kay Kadingilin Local Disaster Risk Reduction and Management Council Officer Sheen Therese Romo, hindi pa nila lubos na papaliwag sa kanilang mga residente kung bakit naging sentro ng pagyanig ang kanilang lugar at hanggang awareness campaign muna ang kanilang naisasagawa.

Nitong Lunes ng umaga, nagpulong ang Office of the Civil Defense Region 10, PhiVolcS, DENR, DSWD, LGU-Kadingilan, at mga opisyal ng Bukidnon upang pag-usapan ang isang linggong obserbasyon ng Phivolcs kung saan aabot na sa ilang libo ang natumbok na mga aftershocks.

Kabilang sa importanteng tatalakayin ay ang pagsasailalim sa state of calamity sa isang barangay ng Kadingilan kung saan konsidera itong ground zero dahil halos walang nang mga bahay ang maaring matirahan dahil sa nagiba bunsod ng matinding pagyanig.

Maghahanap rin ang LGU Kadingilan ng lupa para sa posibleng relocation ng mga quake survivors sa tulong ng Phivols at DENR-EMB.

Kabilang rin sa bibigyang pansin ang mga nawalan ng hanapbuhay dahil sa nasabing pagyanig.