BUTUAN CITY – Pormal ng umupo si Most Reverend Ruben Labajo, bilang bagong Obispo sa bagong tatag na Diocese of Prosperidad matapos ang isinagawang Canonical Possession and Solemn Installation sa kanya Sa St. Michael the Archangel Cathedral sa bayan ng Prosperidad, lalawigan ng Agusan Del Sur.
Nagsilbing installing prelate si Most Rev. Charles John Brown, ang Papal Nuncio sa Pilipinas.
Ang instolasyon ay mahalagang kaganapan sa kasaysayan ng Diocese of Butuan dahil ang bagong Diocese of Prosperidad, ay binuo mula sa existing na Diocese of Butuan, kungsaan cover na nito ang kabuu-ang lalawigan ng Agusan del Sur.
Malaki ang pasasalamat ng Cebuanong si Bishop Labajo sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga deboto Katolika sa mga lalawigan ng Agusan del Norte at Agusan del Sur bilang tagabantay sa komunidad ng Katolika sa buong lalawigan ng Agusan del Sur.
Una nang nag-courtesy visit si Bishop Labajo kay Diocese of Butuan Bishop Most Reverend Cosme Damian Almedilla.