-- Advertisements --
Naaresto na ng mga otoridad sa Colombia ang “most-wanted” drug lord na si Dairo Antonio Usuga o kilala bilang si “Otoniel”.
Kinumpirma ni Colombian President Ivan Duque Marquez ang pagkakaaresto kay “Otoniel” na siyang pinakamalaking pagkakaaresto laban sa iligal na droga.
Inihalimbawa ng pangulo ang pagkakahuli kay Usuga noong naaresto nila ang kilalang drug lord na pumanaw na si Pablo Escobar noong 1993.
Ang 50-anyos na si Otoniel ay nasabat ng mga otoridad sa kanilang operasyon sa Uraba region ng Colombia.
Siya ang lider ng “Clan del Golfo” drug cartel kung saan itinuturing ng US State Department bilang “heavily armed and extremely violent”.