-- Advertisements --

ILOILO CITY – Inaasahang mabawasan ang problema sa iligal na droga sa Western Visayas kasabay ng pagpanaw ng drug lord na si Ernesto Bolivar ng Guinacas, Pototan, Iloilo.

Si Bolivar ay pumanaw dahil sa pneumonia.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Regional Office Region 6 (PRO-6) Director Police Brigadier General Rolando Miranda, sinabi nito na si Bolivar ay siyang sumalo sa iniwang drug trade ng pinaslang na drug lord na si Richard Prevendido.

Sa ngayon ayon sa heneral, patuloy pa rin ang kanilang pagtugis sa mga tauhan ni Bolivar na siyang inaasahang sasalo sa negosyo nito at sa iba pang mga drug personalities.