-- Advertisements --

DAVAO CITY – Kinumpirma ngayon ng 10th Infantry Division Philippine Army na napatay ng tropa ng militar ang 69 anyos nga most wanted CPP/NPA Leader sa Mindanao na si Menandro Villanueva alyas Bok.

Inihayag ni Capt Mark Anthony Tito, Chief Division ng Public affairs Office ng 10th ID Philippine Army na napatay ang naturang NPA Leader sa naganao na engkwentro noong nakaraang araw sa barangay Libudon, Mabini, Davao de Oro.

Ang pagkamatay umano ni Villaneuva ay magdudulot ng napaka-laking kawalan sa panig ng communist/terrorist group hindi lamang sa Southern Mindanao kung hindi sa buong bansa.

Si Villanueva ay itinuturing na longest serving secretary ng Southen Mindanao Regional Committee ng NPA, at kasalukuyang Secretary ng Mindanao commission, head ng national operations command ng NPA, at member ng political bureau central committee ng CPP.

Nahaharap ito sa patong-patong na kasong murder, double frustrated murder, arson, robbery with intimidation, rebellion at marami pang iba kung kaya kinilala ito bilang Number 1 Most wanted leader ng NPA na mayroong patong sa ulo na P5.6 million