-- Advertisements --

Naaresto na ng mga otoridad ang tinaguriang most wanted sa Italy na si Matteo Messina Denaro.

Si Denaro na isa sa mga boss ng Cosa Nostra Mafia sa Sicily ay inaresto habang nagpapagamot sa isang klinika sa Palermo, Italy.

Mula pa noong 1993 ay nagtatago na siya na ikinokonsidra ng Europool bilang most wanted sa Europa.

Pinuri ni Prime Minister Giorgia Meloni ang mga kapulisan niya sa Italy na isang malaking accomplishment sa kapulisan at maituturing na panalo sa paglaban nila sa mafia.

Hinatulan ng life imprisonment si Denaro noong 1992 dahil sa pagpatay sa anti-Mafia prosecutors na sina Giovanni Falcone at Paolo Borsellino.

Kilala bilang si Diabolik na siyang pumalit sa puwesto ni Bernardo Provenzano na naaresto sa labas ng Corleone, Sicily noong Abril 2006.