-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patay ang most wanted na suspek sa pagpaslang sa dating alkalde ng Pulupandan, Negros Occidental, matapos umanong manlaban sa mga otoridad nang sinilbihan ng warrant of arrest sa Tambunac, Dingle, Iloilo.

Ito ay kinilalang si Ramy Inojo, 40-anyos,at siyang itinuturong suspek sa pagpatay kay dating Mayor Luis Mondia Jr., sa compound ng Jaro Metropolitan Cathedral noong Pebrero 2010.

Sa esklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Captain Fernando Punzalan, hepe ng Dingle Municipal Police Station, sinabi nito na tinangkang paputukan ni Inojo ang mga pulis gamit ang .38 caliber revolver at tinangka pa nitong manghagis ng granada.

Dito na siya binaril ng mga pulis ng apat na beses sa kanyang katawan na siyang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Napag-alaman na narekober din sa posisyon ni Inojo ang isang 12 gauge shotgun.