ILOILO CITY – Matapos ang tatlong dekada, nabigyan na ng hustisya ang pagnanakaw at panggahasa sa namatay na senior citizen sa San Enrique, Iloilo.
Ini matapos nahuli na ang suspek na nanggahasa sa 65 anyos na lola matapos ang 29 taon.
Ang arestado ay si Juanario Papilota, 46, residente ng Barangay Naslo, Pototan, Iloilo at 17 anyos pa lang ng ginawa ang krimen.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Captain Airel Dawn Parcon, hepe ng San Enrique Municipal Police Station, sinabi nito na tumakas si Papilota dahilan upang umabot sa 29 taon bago ito nahuli.
Nito lang, umuwi si Papilota sa kanilang lugar at nagbenta ng isda.
Si Papilota ang Top 1 Most Wanted Person sa nasabing bayan.
Napag-alaman na Enero 2, 1994, pinasok ni Papilota ang bahay ng biktima at ninakaw ang pera nito at alahas.
Hindi pa nakuntento ang suspek, sinaktan pa niya ito at ginahasa ang dating 65 anyos na lola.
Sa ngayon, nakakulong na si Papilota sa San Enrique Municipal Police Station.