-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Naaresto na ng mga otoridad sa Misamis Oriental ang itinuturing na most wanted rapist ng Gingoog City matapos ang pagsasanib pwersa ng iba’t-ibang hanay pulisya.

Kinilala ang suspect na si Rustom Sampan Juagpao Jr., na residente ng Brgy. Agusan Pequeño, Butuan City, Agusan del Norte.

Nahaharap daw ito sa 53 counts ng kasong rape.

Butuan Rapist

Nagsanib pwersa ang Butuan City Police, Police Station 2 at Gingoog City Police sa pagdakip kay Juagpao.

Ayon sa pulisya, malaking tulong ang pagkaka-post ng larawan ng suspect sa social media para maaresto.