-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay ang isang criminal nang manlaban sa mga otoridad sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang binawian ng buhay na si Tunga Ulay,33 anyos,may asawa,magsasaka at residente ng Sitio Bagtok Barangay Lagubang Senator Ninoy Aquino Sultan Kudarat.

Ayon kay Sultan Kudarat Police Provincial Director Colonel Reynaldo Felestino na huhulihin na sana ang suspek ngunit tumakbo ito at nagpaputok ng kanyang baril.

Napilitan ang mga otoridad na barilin si Ulay at nasawi nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Narekober ng mga pulis sa posisyon ni Ulay ang isang kalibre.45 na pistola,mga bala at magazine.

Ang suspek ay top 10 most wanted sa listahan ng Senator Ninoy Aquino Municipal Police Station at matagal nang pinaghahanap sa patong-patong na kaso.