-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nahuli ng pulisya ang isa sa mga most wanted person –municipal level ng Tampakan, South Cotabato sa Midsayap, Cotabato.

Nakilala ang suspek na si Winzel Saligumba Baladiang, 39, binata, magsasaka at residente ng Purok 2, Barangay Central Bulanan, Midsayap, Cotabato.

Si Baladiang ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and Their Children Act of 2004 na may Criminal Case No. 12673-43 at petsang October 29, 2021 na inisyu ng Regional Trial Court, Eleventh Judicial Region, Branch 43 sa Koronadal City, South Cotabato

Mayroon naman inirekomendang piyansa na P72,000 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Sa ngayon ay nasa kostudiya na ng Midsayap PNP si Baladiang at nakatakdang iharap sa hukuman.