-- Advertisements --

Ibinasura ng Sandiganbayan ang hiling ni Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo Jr. na hamunin ang mga ebidensyang nagdidiin sa kanya sa kasong graft.

Batay sa resolusyon ng 6th Division, hindi kinatigan ng mga mahistrado ang motion for leave to demurrer of evidence ng kongresista, sa halip ay inatasan nito si Floirendo na maghain ng panibagong mosyon nang hindi nililisan ang korte o di kaya’y humihiling na maghain ang kanyang kampo ng ebidensya.

“When the demurrer to evidence is filed without leave of court, the accused waives the right to present evidence and submits the case for judgment on the basis of the evidence for the prosecution,” ayon sa resolusyon.

Nag-ugat ang kaso ng kongresista matapos akusahan ng kanyang kapwa mambabatas na si Rep. Pantaleon Alvarez ng pagkakaroon ng financial interest sa kasunduan ng Tagum Agricultural Development Authority at Davao Penal Colony.