-- Advertisements --
Muling nanawagan ang kampo ni dating Sen. Bongbong Marcos sa Presidential Electoral Tribunal (PET) na kung maaari ay pagpasyahan na ang mga nakabinbing mosyon para makausad na ang electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ng abogado ni Marcos na si Atty. George Erwin Garcia na noong Disyembre pa nila inihain ang mosyon para i-subpoena ang mga dokumento mula sa tatlong lalawigan sa Mindanao na may malaking impact sa kanilang reklamo.
Giit kasi ni Garcia, ang mga pirma at thumbprint sa nasabing mga lugar ay hindi nagtutugma kaya nais sana nilang masuri ito ng lubos ng PET dahil sa posibleng epekto sa kanilang electoral protest.
Ang usapin ay inihain noon pang 2016 ng kampo ni Marcos.