-- Advertisements --
licup2
PRO-9 Regional Director, PBGen.Emmanuel Licup

May kinalaman sa pulitika ang pagpaslang sa isang barangay chairman sa Sindangan, Zamboanga del Norte.
Ito ang kinumpirma ni Police Regional Office-9 regional police director, PBGen. Emmanuel Licup.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Licup kaniyang sinabi na batay sa inisyal na imbestigasyon, may bahid pulitika ang pagkamatay ni Edgardo Viñas, 49-anyos, chairman ng Barangay Dapaon, at presidente ng Association of Barangay Captains ng Sindangan sa Zamboanga del Norte.
Ayon sa heneral may ikina kampanya kasi si Viñas na kandidato sa pagka alkalde.
Isa tumatakbong alkalde sa Sindangan ay si dating AFP chief of staff retired General Alexander Yano.
Dahil sa insidente kaagad nagpatupad ng security adjustment ang PNP region 9.
Sa kabilang dako, sa kaso naman sa pinatay na si Ibrahim Ungad, chairman ng Barangay New Labangan, Zamboanga Del Sur, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon kaya hindi pa nito masabi kung may kinalaman sa pulitika ang insidente.
Ayon kay Licup, unang binaril si Viñas sa ABC Hall sa Barangay La Roche, Sindangan.
Batay sa imbestigasyon, katatapos lang ng kanilang session nang barilin si Viñas ng hindi nakilalang suspek gamit ang isang long firearm.
Naisugod pa sa Sindangan District Hospital pero idiniklarang dead on arrival ng attending physician.
Sumunod namang pinatay sa labas ng kanyang bahay si Ungad sa Purok Caimito sa Barangay Tuburan, Pagadian City, Zamboanga del Sur.
Batay sa imbestigasyon, palabas ng bahay ang biktima at pagdating sa kanilang gate ay doon na ito nilapitan ng hindi nakilalang suspek at binaril gamit ang isang improvised 12-gauge shotgun.
Naisugod pa sa Hofileña Hospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.
Nagpapatuloy sa ngayon ang manhunt operations ang PNP sa Zamboanga del Norte at Sur para maaresto ang mga suspeks sa krimen.