-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Posibleng konektado sa trabaho ang motibo sa pagbaril-patay sa isang pulis sa bayan ng Bugallon kamakalawa.

Ito ang binigyang-diin ni PMaj. Ria Tacderan, ang tumatayong PIO ng Pangasinan Provincial Police Office, sa naging panayam sa kanya hinggil sa naturang usapin, kung saan ay kinilala ang biktima na si Staff Sergeant Jeffrey Ignacio sa Barangay Salasa, bilang isa sa kanilang mga intel operatives na involve sa maraming delikadong mga operasyon.

Aniya na bumuo na sila ng Investigation Task Group Ignacio kasama ang CIDG, PNP, upang imbestigahan at mapaigting ang ongoing one-time big-time warrant of arrest sa buong rehiyon sa pagtukoy sa salarin sa pananamabang sa biktima.

Maliban pa rito ay umiikot na rin sila sa mga barangay bilang parte ng kanilang surveillance

Sa ngayon ay patuloy ang kanilang hanay sa pangangalap ng mga CCTV footages na nakukuha nila na maaaring magturo sa pagkakakilanlan ng suspek mula sa Barangay Salasa, pati na rin sa labas ng bayan ng Bugallon kung saan ay maaaring dumaan ang suspek.

Bagamat mayroon na silang tinututukang person of interest, idiniin ni Tacderan na hindi muna maglalabas ang kanilang opisina ng anumang impormasyon hinggil dito dahil maaaring makompormiso ang kanilang operasyon.

Kaugnay naman nito personal na ring bumisita sa burol ng nasawing pulis si Fanged kasama sina Police B. Genereal John Chua, Regional Director, Police Regional Office Region 1 (PRO-1) at Police Col. Antonito Marallag Jr., DRDO, Police Col. Froiland Lopez.

Tiniyak naman ni Pangasinan PPO Director Police Col. Jeff Fanged na ibibigay nila ang hustisya sa pagkamatay ng kanilang kabaro.

Matatandaan na agad nasawi ang biktima matapos itong pagbabarilin habang sakay ng kaniyang kotse ng suspek na lulan naman ng isang motorsiklo.

Sinisiguro naman ng kanilang hanay na wala dapat ikabahala o ikatakot ang publiko sa nangyaring insidente dahil hindi naman aniya nagpapabaya sa kanilang mga tungkulin ang mga kapulisan ng lalawigan.

Dagdag pa ni Tacderan na sa nangyaring insidente ay mas lalo pa nilang pagbubutihin ang kanilang isisnasagawang imbestigasyon upang matiyak ang matagumpay na pagkakahuli sa suspek at gayon na rina ng kaligtasan ng mga mamamayan.