BAGUIO CITY – Naniniwala si Baguio City Director Col. Allan Rae Co na may mga unseen forces sa loob ng City Prosecutors Office hinggil sa imbestigasyon sa kaso ni alias “Buboy” ang pitong taong gulang na pinaniniwalaang nagbigti sa kanilang apartment dito sa Baguio City.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Baguio kay Col. Co, sinabi
niya na hindi ipinaalam sa kanila na napalitan ang prosecutor na humahawak sa kaso ni alias “Buboy”.
Aniya, nalaman nalang nila na iba na ang humahawak sa kaso noong ipinatawag ang mga ito para sa priliminary investigation ng kaso at hindi nila alam ang rason kung bakit ito napalitan
Dahil dito, inihain ng BCPO ang motion for inhibition para aatras na ang city prosecutors at ang regional prosecutors na ang hahawak ng kaso.
Naniniwala si Col. Co sa pamamagitan ng inihain nilang motion for inhibition ay mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng pito-anyos na bata.
Iginiit ni Col. Co na mas mabuting hawakan nalang ng Regional Prosecutors Office ang kaso para mawala na ang haka-haka ng karamihan sa City Prosecutors Office.
Sinabi pa niya na nirerespeto niya ang City Prosecutors Office at hindi niya kinukuwestion ang capability at integrity ng nasabing opisina.
Una nang inihain ng BCPO ang patong patong na kaso kontra sa mag-asawang Dalipog ngunit hanggang ngayon ay wala pang inilabas ang City Prosecutors Office na resolusyon.