BUTUAN CITY – Naihain na ng NAGKAISA Labor Coalition sa Korte Suprema kahapon ang mosyon na hangaring mapatigil ang paglipat ng Php 89.9B reserve fund ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth tungo sa National Treasury bitbit ang grounds na social injustice.
Sa panayam nga Bombo Radyo Butuan, sinabi rin ni Atty. Sonny Matula, ang chairman ng NAGKAISA Labor Coalition, ginawa nila ang nasabing hakbang kasama ang iba’t ibang trade unions ng bansa para maprotektahan ang pondo ng pangkalahatang miyembro.
Kabilang sa mga inihain ng nasabing grupo ay ang motion to intervene, na sumusuporta sa petition for certiorari ni Sen. Koko Pimentel bilang pagtutol sa paglipat ng nasabing pondo at ang paghingi ng Temporary Restraining Order o TRO para mapigilan ang pagpapatuloy ng transfer ng reserve fund.
Kung maaalala umabot na Php30 bilyon ng naturang pundo ang nailipat ng PhilHealth sa National Treasury.
Nilinaw din nito na ang mga pondong ililipat ng Philhealth, ay para lamang sa mga unprogrammed appropriations, o mga proyektong walang pagkukunan ng pondo, kung kaya’t mariin nila itong tinututulan.