-- Advertisements --

Tuloy ang arraignment ng Manila Regional Trial Court (RTC) sa cyberlibel case na isinampa laban kay online news site Rappler CEO Maria Ressa at dating researcher na si Reynaldo Santos Jr.

Ito ay matapos ibasura ng Manila RTC Branch 46 ang motion to quash
na inihain ng Rappler laban sa cyberlibel na inihain naman ng negosyanteng si Wilfredo Keng.

Sa dalawang pahinang order na pirmado ni Manila RTC Branch 46 Presiding Judge Rainelda Estacio-Montesa, ibinasura ang hirit ng Rappler dahil sa kawalan ng merito.

Isasagawa naman ang arraignment sa kaso ni Ressa bukas dakong alas-8:30 ng umaga.

Nag-ugat ang reklamo sa isinulat ng Rappler na artikulo laban kay Keng taong 2012 na muling na-publish noong taong 2014.