Sinimulan na ng House Committee on Ethics and Privileges ang pag-iimbestiga kaugnay sa “absence without official leave” ni Negros Oriental 3rd district Rep. Arnolfo Teves.
Ayon kay COOP-NATCO Party List Representative Felimon Espares, chairman ng komite, nagsagawa sila ng “motu proprio inquiry” para matukoy paglabag bang ginawa si Teves sa kanyang patuloy na pagliban sa trabaho at para na rin sa maprotektahan ang imahe ng Kamara.
Paliwanag ni Espares, mainit ang isyu na kinakaharap ni Rep. Teves, partikular ang pagkakasangkot sa kaso ng pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at sa iba pa.
Kaya kailangan aniyang matiyak na mayroong magagawa ang Kamara bilang institusyon.
Paliwanag ni Espares na dadaan ang usapin sa tamang proseso o due process kung sakali na makita na may ginawang paglabag si Teves.
Sinabi ng mambabatas, maaaring irekumenda ang “disciplinary actions” gaya ng suspensiyon o kaya’y expulsion o pag-alis sa hanay ng mga kongresista.
Binigyang-diin ni Espares na ang pagdinig ng House Ethics panel ay “confidential” at hindi bukas sa media at publiko, base na rin sa House rules.
Magugunita na nag-expire na ang travel authority na ibinigay ng Kamara para sa biyahe ni Teves patungong Amerika mula Feb. 28 hanggang March 9 lamang.
Mismong si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ang nagpapauwi kay Teves dahil sa wala na siyang travel authority.
” This is with regards to the leave of absence and to the House to determine whether or not na may violations ba, and then of course to protect the image of the House,” pahayag ni Rep. Espares.