Sinimulan na ng Land Transportation Office ang pasasagawa ng motor vehicle registration caravan na layuning mairehistro ang mga hindi rehistradong sasakyan bilang bahagi ng “Oplan Balik Rehistro, Be Road Safety” program ng ahensiya.
Ito ay matapos mabunyag na tinatayang 65 percent ng motor vehicles sa buong bansa ang may expired registration.
Pinangunahan ni LTO Chief Vigor Mendoza ang kick-off caravan ng LTO NCR sa Barangay Lipunan sa Quezon City partikular sa likod ng SM North EDSA.
Ang motor vehicle registration caravan ay maaari ring tumanggap ng transaksyon para sa renewal ng expired driver’s license.
Sa unang araw ng caravan, may 56 driver’s licenses ang na renew habang may 24 delinquent motor vehicle owners ang nag-renew ng rehistro ng kanilang sasakyan sa QC.