CAGAYAN DE ORO CITY – Pinatigil na ni Police Regional Office (PRO)- 10 Dir Brig Gen Rafael Santiago ang 45 day motorcycle course ng PNP sa Northern Mindanao.
Ito ang kinumpirma ni PRO-10 spokesperson Lt. Col. Surkie Serenias sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo.
Aniya, layunin ng pagpatigil ng motorcycle course ang pag-imbestiga sa aksidenteng kinasasangkutan ni Cagayan de Oro City Police Director Colonel Nelson Aganon.
Napag-alaman na nanatili pa sa intensive care unit kon ICU si Aganon matapos magtamo ng blood clot sa ulo nang mauntog ang kaniyang ulo sa ginagawa niyang final pre-jump activity sa Camp Alagar.
Sa ngayon, pansamantalang Officer-in-charge o OIC ng Cagayan de Oro City Police Office (CoCPO) si Police Lt. Col. Reynante Reyes, ang deputy for administration ng CoCPO.