CAUAYAN CITY – Pinangunahan ng Motorcycle Philippine Federation, Isabela Chapter ang relief operations sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal sa Batangas.
Ang relief operations na ito ay tinawag nilang Operation Helping Hand at nabigyan ng tulong ang mahigit 100 evacuees sa ilang barangay sa Ibaan, Batangas.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sherwin Balloga, presidente ng Motorcycle Philippine Federation, Isabela Chapter, sinabi niya na nagtungo ang kanilang grupo sa Batangas kasama ang ilang non-government organizations para mamahagi ng tulong.
Aniya, nais nilang sa pamamagitan ng mga ipinamahagi nilang tulong ay maibsan ang mga dinaranas na paghihirap ng mga evacuees.
Sa ngayon ay nangangailangan pa rin umano sila ng tulong lalo na ang mga beddings.
Nanawagan naman si Balloga sa mga nais magbigay ng tulong na bukas lamang ang kanilang tanggapan para tumanggap ng tulong na dadalhin sa Batangas.