-- Advertisements --

Nanawagan ang grupo ng mga motorcycle riders sa mga local government unit na dapat magpatupad ng 30 kilometers per hour (kph) speed limit sa mga matataong lugar.

Sinabi ni Eric Lazarte ng Philippine Advocate for Road Safety at Kapatiran sa Dalawang Gulong, maiiwasan ang aksidente kung magiging mabagal ang pagtakbo ng mga sasakyan.

Base rin kasi sa World Health Organization na noong 2018 ay mayroong mahigit 1 milyon ang nasasawi sa mga aksidente sa kalsada.

Nitong Linggo ay nagtipon-tipon ang mga riders sa C.P. Garcia Street sa University of the Philippines-Diliman at sila ay nagtungo sa Pasig City.