Ikinatuwa ng ilang mga motorcycle taxi driver sa pagkabasura ng Court of Appeals (CA) sa “riding-in-tandem” ordinance ng lungsod ng Mandaluyong.
Basi kasi sa desisyon na inilabas ni Associate Justice Raymond Reynold Lauigan na tinawag na “oppressive, arbitrary, discriminatory” ang City Ordinance 550 ng lungsod.
Sa nasabing ordinansa kasi ay pinagbabawalan ang Motorcycle Riding-In-Tandem Ordinance ang mga lalaki na umangkas sa motorsiklo.
Maari lamang itong gawin kung ang driver at angkas nito ay magkakamag-anak o ang naka-angkas ay edad pito hanggang 10-anyos.
Ipinatupad ng lungsod ng Mandaluyong ang nasabing ordinance para maiwasan ang nagaganap na krimen.
Nagbunsod ang nasabing petisyon base sa reklamo ni Atty. Dino De Leon na naaresto noong Marso 7, 2019 habang lulan ng Angkas service.
Nagbayad ito ng multa subalit sumulat siya sa Traffic Management Department ng lungsod.
Noong nakaraang Hulyo ay ibinasura ng Mandaluyong Regional Trial Court ang petisyon subalit naghain ng motion for reconsideration si De Leon.
Ayon sa mga motorcycle riders ay isang kaginhawaan ang nasabing pagharang ng CA sa nasabing ordinance.