Ikinatuwa ng ilang libong mga riders ng Angkas at Joyride sa paggawad sa kanila ng Department of Transportation ng certificate of compliance.
Ayon sa Motorcycle Taxi Technical Working Group (TWG) na siyang nangasiwa sa pilot run ng mga motorcycle taxis na ang dalawang kompaniya ay nakapag-comply sa itinakdang guidelines ng kanilang opisina at ng Inter-Agency Task Force on Emerging Disease.
Ilan sa mga panuntunan ay dapat dumaan sa COVID-19 testing ang mga drivers ng nasabing kompaniya, maglagay ng barrier sa pagitan ng rider at pasahero at dapat magdala ng sariling helmet ang mga pasahero ganon din ang pag-require sa cashless transactions.
Bawat pasahero aniya ay mayroong health form na pupunan bilang contact tracing.
Bilang tugon ay sumailalim sa confirmatory coronavirus test ang 6,435 riders ng Angkas at tig-1,000 na drivers ng kumpanyang JoyRide at MoveIt.
Magugunitang noong Marso ay itinigil ang operasyon ng mga motorcycle taxis ng magpatupad ng paghihigpit dahil sa COVID-19 pandemic.