-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nagpalabas agad ng Executive order No. 63 series of 2021 ang lokal na pamahalaaan ng Davao para tanggalin na ang mga barriers sa motorsiklo, pampublikong sasakyan gaya ng jeep at iba pang public utility vehicles (PUVs) na may barriers.

Ngunit kahit na tatanggalin na umano ang barrier sa mga PUVs ay kailangan na magpatupad pa rin ang mga driver ng social distancing at pagsusuot ng facemask sa mga pasahero.

Tatanggalin na rin ang barrier sa mga motorsiklo o boluntaryo na lamang ang paglalagay nito.

Kung maalala, nakatanggap ng samu’t saring reaksiyon ang paglalagay ng barrier lalo na sa motorsiklo mula nang nagsimula ang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic noong nakaraang taon.