Nag-abiso ngayon sa mga motorista sa Metro Manila ang kompaniyang CAVITEX Infrastructure Corp. na ipapatupad na simula sa Huwebes, Mayo 12 ang pagtataas ng toll rates sa CAVITEX Paranaque toll plaza.
Ayon sa kompaniya inaprubahan na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang toll pay hike kasunod nang pagpapatupad din ng mga pagbabago at pagpapanda ng mga pasilidad at kalidad ng CAVITEX highways.
Sa pagpapatupad ng bagong rates, ang mga motorista ay magbabayad ng mga sumusunod na VAT-inclusive rates: P33 para sa Class 1 vehicles mula sa dating P25.00; P67 para sa Class 2 mula sa dating P50.00; at P100.00 para sa Class 3 mula sa dating P75.00.
“The approved petitions translate to Php 4.62 VAT-exclusive rate per kilometer for Class 1 vehicles; Php 9.24 for Class 2; and Php 13.86 for Class 3 vehicles traversing the 6.48-kilometers R-1 Expressway (from CAVITEX Longos, Bacoor entry to MIA exit, and vice versa) beginning 12:00 AM of May 12,” bahagi ng CAVITEX statement. “To help public utility vehicle (PUV) operators and drivers cope with the change, CIC and JV partner PRA will be providing them toll rate reprieve through a rebate program that will allow them to continue enjoying the old rates for the next three months.”