-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Isa ang nasawi at isa ang nasugatan sa pagsabog dakong alas-5:45 ng umaga kanina sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang nasawi na si Alberto “Panong” Delos Santos habang sugatan ang kanyang angkas, mga residente ng Barangay Purikay, Lebak, Sultan Kudarat.

Lebak Sultan kudarat IED

Ayon kay South Upi Mayor Reynalbert Insular, sumabog ang isang improvised explosive device (IED) sa gilid ng national highway sa Barangay Romangaob, South Upi, Maguindanao.

Nagkataon naman na dumaan ang dalawa na lulan ng motorsiklo hanggang sa tinamaan sa pagsabog.

Patay on the spot si Delos Santos na tinamaan sa ulo habang naisugod sa pagamutan ang kanyang kasama.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng South Upi PNP sa nangyaring pagsabog katuwang ang militar.