ROXAS CITY- Patay ang isang motorista, matapos ang nangyaring aksidente sa
Barangay Dayhagon, Sigma, Capiz.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Captain Dennis Los Bañez hepe ng Sigma Municipal Police Station kinilala ang driver victim kay alyas “Abel” miyembro ng Philippine National Police at driver ng Hilux na sasakyan habang ang driver at fault ay kinilala kay alyas “Joshua” 23 taong gulang at residente ng Sitio Bombahan, Barangay Balucuan, Dao Capiz driver ng motorsiklo na Rusi.
Aniya, magkasalubong ang mga ito kung saan pabalik na sana ng Barangay Manhoy ang driver victim at papunta naman sa bayan ng Sigma ang driver at fault, habang pagdating sa lugar sinasabing nang-agaw ng linya ang driver ng motorsiklo dahilan upang bumunggo ito sa nakasalubong na sasakyan.
Dahil sa impak nagtamo ng sugat sa ibat-ibang parte ng katawan ang driver victim na mabilis naman isinugod sa Dao District Hospital upang bigyan ng lunas.
Sa kabilang banda, sinabi ni Los Bañez na nag-usap na ang magkabilang panig uapng aregalohin na lamang ang nangyari.