-- Advertisements --

VIGAN CITY – Dead on arrival sa Ilocos Sur District Hospital – Magsingal ang isang lalaki matapos na maaksidente ang sinakyan nitong motorsiklo sa Barangay Nagbettedan, Sto. Domingo, Ilocos Sur.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Vigan, nakilala ang biktima na si Rustom Tacardon, 25-anyos na residente ng nasabing lugar.

Napag-alaman na patungong silangang direksyon ang biktima sakay ng kaniyang motorsiklo nang aksidenteng mabangga nito ang likurang bahagi ng nakaparadang Terelyn minibus sa nasabing lugar.

Dahil dito, nagtamo ng malalang sugat sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na kaagad naitakbo sa nasabing ospital ngunit idineklerang dead on arrival.