-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Dead on the spot ang isang lalaki matapos mag-overshoot ang minamaneho nitong motorsiklo sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktimang si Joshua Collin Camariñas na taga Poblacion, M’lang Cotabato.

Ayon sa ulat ng M’lang PNP na matulin umano ang takbo ng minamanehong motorsiklo ng biktima sa bahagi ng national highway ng Barangay New Rizal, M’lang.

Dahil sa sobrang bilis ay nag-overshoot ang motorsiklo dahil hindi na makontrola ni Camariñas ang manibela.

Tumama pa sa barrier ang motorsiklo ng biktima dahilan para tumilapon ito sa damuhang bahagi sa gilid ng national highway.

Patay agad ang biktima dahil sa tindi ng tinamo nitong sugat sa katawan lalo na sa ulo.

Nagpaalala ang Mlang PNP sa mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho para iwas digrasya.