-- Advertisements --
VIGAN CITY – Hindi na umabot pa nang buhay sa ospital ang isang lalaki matapos magulungan ng 22-wheeler truck sa Brgy. Langlangca 2, Candon City, Ilocos Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay PLt.Col. David Dulnuan, hepe ng Candon City Police Station, nasangkot sa unang aksidente ang motorsiklo na minamaneho ni John Richie Barba Lee, 24, nang mawalan ito ng kontrol sa manibela ng kanyang motor at tumilapon sa kalsada.
Hindi namalayan ng driver ng trailer truck na si Juan Gapuz Jr, ang tumilapon na katawan ng biktima sa kalsada kaya nagulungan niya ito.
Nahuli ang driver ng truck sa bayan ng Santiago sa ikinasang dragnet operation ng PNP.
Sa ngayon ay hinahanda na ang kasong reckless imprudence resulting to homicide na kakaharapin ng suspect.