-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Isa ang nasawi at isa ang nasugatan sa pamamaril dakong alas-6:50 nitong gabi ng Biyernes sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Fhejie Reballos Jumalon at sugatan naman si Ronnel De Ocampo Saco, 22, binata, mga estudyante at residente ng Barangay Sarmiento sa Parang, Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial director Colonel Donald Madamba, lulan ang mga biktima ng motorsiklo sa Barangay Limbo, Sultan Kudarat, Maguindanao nang bigla silang dikitan ng riding in tandem assassisn at pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na pistola.

Agad namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Sultan Kudarat.

Patay on the spot si Jumalon na nagtamo ng tama ng bala sa ulo at likod habang naisugod naman sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) si Saco at nasa maselang kondisyon.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Sultan Kudarat MPS sa pamamaril sa dalawang estudyante.