-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Isang sibilyan ang nasugatan sa pananambang sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Francisco Mabanag at nakatira sa Brgy Katanayanan, Carmen, North Cotabato.

Ayon sa ulat ng pulisya sa bayan ng Carmen na habang lulan ang biktima sa kanyang motorsiklo ay bigla itong pinagbabaril ng mga hindi kilalang suspek.

Kahit sugatan si Mabanag ay nagawa pa nitong patakbuhin ang kanyang motorsiklo patungo sa detachment ng 7th Infantry Battalion Philippine Army at humingi ng saklolo.

Agad dinala ang biktima ng mga sundalo sa pagamutan at nasa ligtas nang kalagayan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Carmen PNP sa pamamaril sa biktima.