-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy pang inalam ng mga tauhan ng Butuan City Police Station o BCPS-4 ang motibo sa pagbaril-patay ng riding-in-tandem suspects sa isang motorista kaninang alas-6:40 ng umaga sa Purok 3, Brgy. Taguibo nitong lungsod ng Butuan.

Ayon kay Kapitan Rogelio Dumadag sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag nitong huminto umano ang biktima na may kausap sa kanyang cellphone at dito na siya nilapitan ng riding-in-tandem na mga lalaking naka-helmet sabay baril sa kanyang noo na tumagos naman sa kanyang batok na sinundan pa sa dalawa niyang torso.

Posible umanong kakilala lamang ng biktima ang mga responsable dahil hindi ito tumakbo nang siya’y nilapitan.

Kinumpirma din ng kapitan na nakunan ng isang sachet ng suspected shabu ang biktima habang dali namang tumakas ang mga responsable.