CAUAYAN CITY- Kinumpirma ng Department of Public Order and Safety o (DPOS) Santiago City na pangunahing nahuhuling traffic violator ay ang mga motoristang walang drivers license.
Sa naging panayam ng panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay G. Modesto Edwin Cabanos III, Hepe ng DPOS Santiago City ibinahagi nito na marami pa ring naitatalang lumalabag sa mga batas trapiko at nangungunang nilalabag ng mga motorista ay ang pagmamaneho na walang lisensiya
Sa isang araw papalo sa 120 hanggang 140 violators ang kanilang naitatala subalit mas mababa naman aniya ito kumpara sa mga nahuhuling may paglabag sa lungsod na mga tsuper na nagmamay-ari ng mga pampasaherong sasakyan.
Paalala ng tanggapan na mayroon umanong datos ang DPOS para matukoy ang violator kung nasa una, pangalawa o nasa ikatlo paglabag kaya naman hinimok ng tanggapan na sumunod lamang sa lahat ng pagkakataon sa mga batas trapiko upang maiwasan ang aberya o disgrasya.