KORONADAL CITY – Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring pagpapasabog ng fragmentation grenade sa isang motorized banca habang naka-dock sa Tamontaka River sa bahagi ng Lower Bubong, Kalanganan 2, Cotabato City.
Ayon kay Colonel Jose Ambrosio Rustia, Commander ng Joint Task Group Kutawato ginulantang ng isang malakas na pagsabog ang mga residente ng nabanggit na lugar matapos na may dalawang lalaki na naghagis ng Granada sa nakaparadang bangka sa gilid ng ilog.
Hindi naman umano nakilala ni Mustapha Katug Molo ang kapitan ng bangka at mga crew members nito ang dalawang suspek.
Sa likurang bahagi ng bangka umano pumuwesto ang mga suspek kaya’t hindi nila agad namalayan dahil nasa 30 metro lamang si;a
Mabuti na lamang at walang nasugatan sa pagsabog dahil kumakain sa isang covered hall na tatlumpung (30) metro ang layo sa bangka ang kapitan at mga crew nito.
Sa ngayon hindi pa matukoy ang motibo ng pagpapasabog ngunit inaalam kung may kaugnayan sa pulitika dahil pagmamay-ari umano ng isang kandidato sa Maguindanao ang bangka.
Narekober naman ang dalawang safety pins ng fragmentation di kalayuan sa bangka.
Inihayag naman ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) Team ng 6ID, Philippine Army na wala nang ibang bomba sa lugar.
Samantalang, ipinasiguro ng PNP at AFP na kontrolado nila ang sitwasyon at hindi hahayaan na mangyaring muli ang insidente.