-- Advertisements --
CENTRAL Mindanao – Isang Fuso canter boat ang tumaob sa Rio Grande de Mindanao sa probinsya ng Cotabato.
Ayon sa ulat ng Kabacan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office na tumaob ang bangka sa bahagi ng Barangay Nangaan, Kabacan, Cotabato.
Sinabi ni Tho Sumilalaw na sumadsad umano ang bangka sa puno ng balite sa ilalim ng tubig sa Rio Grande de Mindanao.
Nabutas ang gitnang bahagi ng Fuso canter 4DR5 pumpboat kaya pumasok ang tubig at tuluyang tumaob.
May kargang 50 sako ng mais at 30 pasahero ang pumpboat.
Nakaligtas naman ang mga pasahero ng motorized bangka ngunit ilan sa kanila ay dinala sa pagamutan.