-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay ang isang magnanakaw ng motorsiklo nang makipagbarilan sa mga pulis sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang nasawing motornapper na si Zapale Omar.

Ayon kay Esperanza Chief of Police Major Samuel Domingo na nakatanggap sila ng tawag sa motorsiklong tinangay ng suspek.

Inalerto ni Major Domingo ang kanilang mga PNP Checkpoint at naharang ang suspek sa bahagi ng Purok Purok Pag-asa Barangay Sagasa Esperanza Sultan Kudarat.

Sinita ng mga pulis si Omar ngunit imbes na sumuko ay nakipaghabulan at nagpaputok ng kanyang baril.

Napilitan ang mga pulis na gumanti ng putok sa suspek kaya itoy nasawi.

Narekober sa posisyon ni Omar ang isang XRM-125 na motorsiklo, isang (1) Thompson Tongram sub-machigun pistol, basiyo at mga bala ng 9 mm caliber pistol, limang malalaking pakete ng shabu at mga assorted ID’s.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasy on ng Esperanza PNP kung may koneksyon ang suspek sa serye ng nakawan ng motorsiklo o myembro ng mga Armed Lawless Group.