-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang isang motorcycle driver matapos makasalpukan ang kasalubong na kotse sa Impig Bridge, Brgy. Impig, Sipocot, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Hernando Lozada, 34-anyos, residente ng Brgy. Batang, Pamplona, sa nasabing lalawigan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabaybay ng biktima ang kahabaan ng naturang tulay sakay ng kaniyang motorsiklo ng kainin ang kablilang linya rason para diretso itong makasalpok sa kasalubong na kotse na minamaneho naman ni Rosaldo Domingo, 50-anyos, residente ng Brgy. Beguito Nuevo, Libmanan, Camarines Sur.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na nakailalim pa ang motorsiklo ng biktima sa kotse rason para magtamo ng seryosong mga sugat sa kaniyang katawan si Lozada na nagresulta naman sa agaran nitong kamatayan.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad si Domingo para sa karampatang disposisyon.