-- Advertisements --

DAVAO CITY – Dead on the spot ang isang motorista matapos na sumalpok sa isang trak pasado alas-4 ng madaling araw, Disyembre 1 ng taong ito sa may Tibungco road, Davao City.

Ayon sa imbestigasyon ng Bunawan PNP, habang binabaybay ng rider ang kalsada patungong northbound ng Tibungco, bigla itong nag-overtake sa isang sasakyan, dahilan para bumangga ito sa kasugat na dump truck na patungong southbound ng nasabing lugar.

Sa talaan ng mga otoridad, kinilala ang driver ng motorsiklo na sina Raymund Quiamco, 31 anyos at ang driver ng trak na si Jay-ar Espinosa, 31 anyos. Sa ngayon, nasa kustodiya ng Bunawan PNP si Espinosa para sa kaukulang disposisyon.