-- Advertisements --
Pumanaw na ang Motown singer na si Barrett Strong sa edad 81.
Kinumpirma ito ng kampo niya subalit hindi na binanggit ang sanhi ng kamatayan ng singer.
Ang singer-songwriter ay siyang nasa likod ng mga sikat na kanta ng Motown gaya ng ‘Money (That’s What I Want)”, I Heard It Through the Grapevine,” “Wherever I Lay My Hat (That’s My Home),” “Papa Was a Rollin’ Stone,” and 1971’s “Just My Imagination (Running Away with Me)” at maraming iba pa.
Nahirang siya bilang Songwriters Hall of Fame noong 2004.
Isinilang sa West Point, Mississippi bago lumipat sa Detroit kung saan kasama niya ang mga kapatid na tumugtog sa iba’t-ibang bar.
Dito ay nakilala siya ng singer na si Jackie Wilson at ipinakilala kay Berry Gordy at doon nabuo ang grupo.