CENTRAL MINDANAO-Handang makipagtulungan sa provincial government ang Mount Apo Foundation Inc. o MAFI sa mga IP communities sa probinsya ng Cotabato.
Ito ang naging pahayag ni Armando Pacudan kasama ang kanyang mga kawani sa isinagawa nitong pagbisita sa tanggapan ni Cotabato Governor Nancy Catamco.
Ayon kay Pacudan isa sa mga tinututukan ng kanilang organisasyon ay ang pagbibigay ng scholarship grant sa mga poor but deserving indigenous people o IP ng probinsya.
Nagpahayag naman ng suporta si Gov Catamco sa adhikain ng MAFI at sinigurong susuportahan ng probinsya ang kanilang mga programa at proyekto sa abot ng makakaya.
Dagdag pa ni Catamco na tututukan ng kanyang administrasyon ang pagbibigay ng iba’t ibang oportunidad sa mga IP’s upang mai-angat ang kanilang pamumuhay.
Si Catamco ang kauna-unahang IP Governor na nahalal sa probinsya ng Cotabato.