-- Advertisements --

DAVAO CITY – Tumatanggap na ang Ang Mount Apo Natural Park (MANP) ng mga mountaineer o mga indibidwal na gustong umakyat sa Mt. Apo.

Ito mismo ang sinabi ni Julius Paner, opisyal ng Sta. Cruz Tourism mula nang buksan sa publiko ang bundok noong Setyembre 1.

Karamihan sa mga trekker ay nagmula pa sa mga dayuhang bansa tulad ng Australia, Germany, New Zealand, Singapore, South Africa, Thailand at United States.

Ayon kay Paner, ang Mt. Apo ang nagsisilbing magnet sa Davao Region lalo na sa foreign market kung saan sinasabing ito ang pangunahing asset ng rehiyon pagdating sa outdoor activity.

Matatandaan na noong buwan ng Hunyo, nagsimula ang tatlong buwang off season sa Mt. Apo alinsunod sa resolusyon ng MANP-Protected Area Management Board.

Sa nabanggit na panahon, ang lahat ng trekking at camping sa mga trail sa loob ng Davao Region ay ipinagbabawal para sa off-season period.
Ito ay para bigyang daan ang rehabilitasyon ng bundok gayundin para hindi maabala ang fauna species sa natural park upang mabigyan sila ng panahon na lumaki.

Matatandaan na ang Mt. Ang Apo ay ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas.

Sa kabilang banda, kinumpirma rin ni Paner na mula Lunes hanggang Huwebes, 35 na mountain climber lamang ang papayagan habang mula Biyernes hanggang Linggo, 50 mountaineers ang mamaaring makakaakyat sa bundok.