-- Advertisements --

DAVAO CITY – Pinag-aaralan na ang posibleng pagpasara muna sa Mount Apo sa mga climers pagsapit ng summer season o tag-init upang maprotektahan laban sa masamang epekto sa ng El Niño.

Batay sa pahayag ng City Information Office ng lungsod ng Kidapawan inaantay na lamang sa ngayon ng City Tourism Council ang desisyon ng Protected Areas Management Board (PAMB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung sarhan ang Mount Apo sa mga climbers.

Ito ay matapos na nagkasunog na sa mga boundary ng Mount Apo at Arakan, North Cotabato at lungsod ng davao.

Bahagi umano ito sa kanilang preventive measure upang maiwasan maulit ang pagkasunog noong Marso 2016 na naging dahilan sa pagkakalbo sa 115 ektarya na kagubatan at damuhan sa nasabing bundok na kagagawan umano ng mga iresponsableng mga trekkers.

Samantala, magtitipon ang mga opisyal ng PMAB sa Marso 5 upang talakayin ang posibleng closure sa Mt. Apo.