-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Planong isara para sa mga climbers ng Kidapawan City government ang Mount Apo pagsapit ng summer season.

Dulot ito ng matinding init na nararanasan na posibleng maging dahilan ng grassfire.

Sinabi ni  City Tourism officer Joey Recimilla na patuloy pa nila itong pinag-aalan.

Hinihintay naman ng City Tourism Council ang magiging pasya ng Protected Areas Management Board (PAMB) ng DENR kung itutuloy ba ang temporary closure.

Sa ngayon ay bukas pa ang Mount Apo sa mga umaakyat sa bundok.

Plano ring limitahan ang bilang ng mga umaakyat sa Mount Apo para makontrol ang dami ng climbers at upang maiwasan ang posibleng sunog.

Maalala na taong 2016 nang maitala ang malaking sunog sa Mount Apo na sumira sa ekta-ektaryang pino ng kahoy at damuhan.

Sampung kilometro ang haba ng kasalukuyang fireline na may lapad na 10 metro.

Habang may namuo namang yelo o tinatawag na icicles sa ilang parte ng Mt. Apo.

Nilinaw ni Recimilla, normal lang ang nasabing pangyayari dahil ito sa pagtatagpo ng init sa baba at lamig naman sa taas ng bundok.

Nakatakda ring pulungin ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista ang lahat ng ahensya kung ano ang maging kapasyahan nito hinggil sa naturang problema.