-- Advertisements --
Nagbuga ng matinding usok at abo ang Mount Merapi sa Indonesia ngayong araw.
Wala mang ulat ng nasawi, ay nagdulot naman ito ng pagkabahala sa mga nakatira malapit sa bulkan dahil na rin sa ash cloud ay umabot na nga sa 9,600 o 3,600 metro sa itaas ng bundok.
Samantala, nagtalaga naman ng restricted zone na 7 kilometers mula sa crater ang mga awtoridad dahil hindi bababa sa walong nayon malapit sa bulkan ang naapektuhan ng volcanic ash.
Matatandaan na ang huling pagsabog ng bulkan ay noon pang 2010 na kumitil sa 300-katao.
Sa ngayon, nananatili ang alert status ng bulkan sa pangalawang pinakamataas na antas mula noong 2020 matapos magpakita ng panibagong aktibidad.